Mistulang kuwintas na tanikala na may pabiting kadena ang suot ng batang biktima nang magsumbong sa kinauukulan. Larawng kuha ng Bulakan police
BULAKAN, Bulacan — Inaresto ng pulisya ang isang ama matapos nitong ikadena sa leeg ang kanyang 13-taong-gulang na anak na babae.
Kinilala ng Bulakan police ang suspek na si Arthuro Hernandez, 57, habang ang menor de edad na biktima ay itinago sa pangalang Arianne, kapwa residente ng Barangay Balubad.
Ayon kay Lt. Col. Moner Mawali Orang, hepe ng Bulakan PNP, nangyari ang insidente nitong Biyernesbandang alas-7 ng gabi kung saan nalaman ng suspek na lumabas ng bahay ang biktima tanghali ng araw naiyon.
Dito nagalit ang suspek sa kanyang anak hanggang sa kaladkarin at ikadena ito sa leeg. Nakatakas ang biktima bandang alas-12:30 na ng tanghali kinabukasanat agad dumiretso sa kanilang barangay para magsumbong.
Nagtulong-tulong ang mga taga-barangay na tanggalin ang kadena sa leeg ng biktima at saka ini-report sa pulisya at naaresto ang suspek.
Katwiran ng suspek na paraan umano niya ito ng pagdidisiplina sa kanyang anak dahil sa katigasan ng ulo nito.
Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse at nakapiit ito ngayon sa naturang istasyon.