Home Headlines ‘Ulam package’ ipinamahagi sa bawat pamilya

‘Ulam package’ ipinamahagi sa bawat pamilya

1918
0
SHARE

Pinangunahan ni Mayor Sylvia Austria ang pamamahagi ng ulam package sa namahagi ng ulam package sa mga pamilya sa kanyang bayan. Kuha ni Armand M. Galang



J
AEN, Nueva Ecija – Simula sa Lunes, June 1, ay mas maraming residente na ang maaaring mag-trabaho sa pag-iral ng general community quarantine.

Gayun pa man, inilarga ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Sylvia Austria niyong Sabado ang pamamahagi ng food packs o pang-ulam sa lahat ng pamilya sa bayang ito.

“Ang mga tao ay nangangailangan pa rin at kapos pa rin sa pera dahil wala namang hanapbuhay,” sabi ng alkalde, lalo na aniya ang mga tricycle at jeepney driver.

Ito na ang ika-apat na round ng pamamahagi ng suporta ng LGU at naniniwala si Austria na talagang kinakailangan dahil sa matagal na paghinto ng paghahanapbuhay dahil sa ipinatutupad na quarantine bilang hakbang ng gobyerno laban sa nakamamatay na coronavirus disease.

“Kahit pang-ulam man lang o pagkain at maibigay na ayuda,” aniya.

Kabilang sa ulam package na ipinamahagi nitong Linggo ay isang kilong hotdog, ulam burger, crispy patty at isang boteng mantika.

“Kailangan ay mapanatili natin ang protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, ang social distancing,” sabi ni Austria. 

Binigyang-diin niya na sa ilalim ng GCQ ay maaari nang lumabas ang mga tao ngunit mayroon pa ring limitasyon. “Huwag maging kampante,” paalala niya. 

Kasama rin sa pamamahagi si konsehal Sylvester Austria at mga kasama niya sa sanggunian, municipal social welfare officer Paperlyn Pablo at iba pang opisyal ng bayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here