SUBIC BAY FREEPORT—Isang ginang ang nagsilang ng apat na sanggol sa Bay Point Hospital noong Setyembre 14, 2012.
Ito ay nakilalang si Vivian Santos, 31, residente ng Block 27, Senia St., Barangay Gordon Hieghts, Olongapo City.
Si Santos ay nagsilang sa pamamagitan ng “caesarian operation” ng tatlong baby boy at isang baby girl.
Tatlo sa isinilang na sanggol ang nabuhay, isa dito ang namatay kinabukasan.
Batay sa impormasyon na nakalap ng PUNTO ito na ang ikalawang pagbubuntis ni Santos sa pamamagitan ng “artificial fertilization” o ang tinatawag na “test tube baby”.
Ang mga sanggol ay naka-incubator at inoobserbahan ng mga manggagamot ang kalagayan ng mga ito.
Sa ngayon ay wala pang ibinigay na pangalan sa mga nasabing sanggol.