Gabby Concepcion walang paki sa pagpapa-sexy ni KC

    404
    0
    SHARE
    Asked kung kumusta sila ng panganay niyang anak na si KC Concepcion, okay naman daw sila, pero kung ang lovelife ng anak ang tatanungin, wala raw siyang alam.

    “Hindi ko alam, hindi pa niya ako tinatawagan. Normally, tinatawagan lang niya ako ’pag may issue na. Hindi, joke lang,” natatawang sabi ng aktor.

    Binigyan ba niya ng advice si KC nang nagkaroon ito ng misunderstanding sa inang si Sharon Cuneta dahil sa sexy pictorial and outfits?

    “Wala naman siyang nabanggit, wala naman kaming napag-usapan. Naririnig ko lang na ’yun nga, mayroong kaunting reaction, pero sabi ko, you know, she’s an adult, she can do whatever she wants as an adult. “Noong bata siya, ayun, makikialam talaga ako kung mayroon akong nakikitang hindi maganda. Pero open ang aking mind sa mga art, figures and all that,” he said.

    Hindi pa raw niya nakikita ang sinasabing sexy pictures ni KC na napuna nga ni Sharon.

    “Pero kung magde-decide ako kung may limitations ako sa mga photo niya, eh, ’yan, eh kailangan ko munang makita.”

    Pero ano ang mensahe niya sa mga namba-bash kay KC sa pagpapa-sexy nito?

    “Well, that’s her choice. Like I’ve said, she’s an adult and it’s an art form, eh. Lahat naman ng ginagawa natin sa showbiz, ’yung mga posing, ’yung mga ganyan, depende, ’no? Beauty is in the eye of the beholder, sabi nga,” he said.

    Basta ang masasabi lang daw niya bilang ama, darating at darating talaga ang panahon na kailangang hayaan ang mga anak to run their lives.

    “We cannot always be behind them sa lahat ng mga bagay. Kasi may mga desisyon na kahit sabihin mong huwag because laban sa paniniwala mo, eh, ’yun ang paniniwala nila, eh,” pahayag pa ni Gabo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here