Coco Martin namimili na ng pulitikong ieendorso

    439
    0
    SHARE
    Sa presscon ng Ang Probinsiyano ay inamin ni Coco Martin na may mga ibinoto siyang politiko last election na pinagsisihan niya ngayon. Kaya sa darating na 2016 elections ay mas magiging maingat na raw siya talaga sa pagpili ng ihahalal.

    He confirmed na may lumalapit talaga sa kanya ngayon na politiko para hingin ang kanyang suporta sa darating na halalan but he won’t mention names.

    “Honestly po, may mga lumalapit o nagtatanong, may mga nagpaparamdam, pero para sa akin po kasi, hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito,” he said.

    Diretso niyang sinabi na napagod na rin siya at nagsawa sa mga pangako ng politiko na hindi naman natutupad.

    “Siguro, lahat naman tayo naghahangad ng pagbabago hindi para sa ating sarili, kungdi para sa ating magiging anak, para sa ating pamilya o sa lipunan.

    “And then, napakaimportante po ng pagkakataong ito, kung saka-sakali, next year sa election, kasi ’yon ’yung pagkakataon na mahahawakan ko ’yung sarili kong pananaw, pagkakaintindi o pagkatao.

    “Kasi, after that, kapag naiboto ko na sila, wala na. Kumbaga, sila na naman ang maghahari. Gagawin na naman nila kung ano ’yung gusto nilang mangyari.

    “Sabi ko nga, this time, mas magiging mahigpit ako sa mga taong tutulungan ko o paniniwalaan ko.

    “Kasi, nakakapagod, eh, nakakasawa. ’Yung mga taong iba kong tinulungan tapos magugulat ka, ganu’n pa rin ang nangyayari,” seryosong pahayag ng King of Primetime Drama.

    Pero hindi naman daw lahat ng tinulungan niya ay dismayado siya. Meron din naman daw na talagang naging proud siya na tinulungan niya ang mga ito tulad ni Sen. Sonny Angara at ni Presidente Noynoy Aquino.

    “Iba-iba ang opinyon natin, pero ako, talagang sobrang proud ako para kay Pres. PNoy po,” he said.

    Kung siya ang tatanungin, mas gusto raw niya ay bago at mga batang politiko ang dapat mamuno para makamit natin ang hinahangad na pagbabago.

    “Kung maaari, halos lahat, gusto ko bago, kasi para magkaroon tayo ng bagong lipunan. Kung dadagdagan lang natin ’yan at uulit lang tayo nang uulit sa mga taong ilalagay natin sa posisyon, walang mangyayari.

    Ganu’n pa rin. Sino ba mahihirapan, tayo naman, eh?

    “Kaya sana, kung magkakaroon ng pagkakataon, sana, baguhin na lahat. Sana, kung maaari, bago lahat, kumbaga, bata lahat. Para magkaroon ng pagbabago,” he said.

    In fairness, may punto si Coco at sana lang, hindi imposible ang gusto niyang mangyari.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here