Kaya pati IG ni Ara Mina, pinasok ng fans at sa kanya sinasabi ang gustong iparating kay Cristine.
Dinepensahan ni Ara si Cristine, pero ang sinabi nitong hindi lang naiintindihan ni VV si Cristine, kinontra dahil siya ay inaway ni Cristine at idinemanda pa niya ito.
Ang hindi lang maganda sa bashers, pati si Ara na walang kinalaman sa isyu nadamay at inakusahan pang nakisawsaw dahil laos na.
“Hindi n’yo po alam ang whole story. Alam ko po nag-away kami before, pero hindi na po ba puwede magbago ang tao? Nakita ko po sa kanya ang pagbabago kaya ’wag din po tayo agad mag-judge, dapat marinig din natin ang side nya. Nadadaan naman lahat ’yan sa maayos na usapan,” unang post ni Ara.
Post pa ni Ara: “Laos na kung laos, siguro wala kang kuwentang kapatid kaya ganyan ka magsalita. Kasi ’di mo alam ang buong kuwento. One sided ka! “Hindi ako nakikisawsaw, dini-defend ko lang kapatid ko kasi malaki na rin ang ipinagbago po n’ya. Natural lang ’yon dahil mahal ko kapatid ko. Nakakaawa si Cristine.”
Dagdag pa ni Ara: “Nagbago na po sister ko, I assure that po. ’Di n’yo po alam ang buong kuwento, lalabas din po ang totoo.”
Sa sinabi ni Ara na lalabas din ang totoo, ang dare sa kanya, ilabas na nila ni Cristine kung ano ang totoo para marinig na ang side ni Cristine sa story.
As of presstime, naglabas na ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN para linawin ang isyu.