Ria Atayde di puwedeng makipag-boyfriend sa kapuwa artista

    419
    0
    SHARE
    Isang-isa lang ang kundisyon ni Arjo Atayde sa nakababatang kapatid na si Ria Atayde nang magdesisyon itong pasukin na rin ang showbiz.

    “Ayoko na magkaroon siya ng boyfriend na artista,” sabi ni Arjo.

    When asked why, ayaw sabihin ng aktor ang dahilan dahil kanya na lang daw ’yun. “Basta okay sa akin ang non-showbiz, ayoko lang ng artista,” sabi ni Arjo.

    Wala ba siyang nakikitang matinong artistang lalaki kaya ayaw niya?

    “Ayoko lang po talaga, period. Very personal po ang reason at hindi ko po talaga sasabihin. Kahit sila (Ria and family), hindi nila alam,” nakangiti niyang sabi.

    Pero ang maganda naman kay Ria, okay naman sa kanya ang kundisyon ni Arjo at hindi naman siya tutol dahil wala rin naman daw sa isip niya ngayon ang makipag-boyfriend.

    Kasalukuyang napapanood si Ria sa Ningning bilang mabait na teacher ni Jana Agoncillo na siyang gumaganap na Ningning.

    Tulad ni Arjo, bata pa lang si Ria ay gusto na raw niyang mag-artista tulad ng kanilang ina na si Sylvia Sanchez. Nagkataon lang na gusto ng parents niya na tapusin muna niya ang kanyang pag-aaral bago niya pasukin ang showbiz.

    Graduate na si Ria ng kursong Communication Arts sa De La Salle University kaya finally ay pinayagan na siya ng kanyang parents na mag-artista.

    Nag-audition siya sa Ningning at masuwerte namang nakuha siya and she hopes na magtuluy-tuloy na ito.

    Samantala, si Arjo naman ay mapapanood sa Ang Probinsiyano ngayong September bilang kontrabida ni Coco Martin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here