Vic Sotto kinumpirma nang girlfriend si Pauleen Luna

    400
    0
    SHARE

    SINAGOT na ni Bossing Vic Sotto ang walang kamatayang tanong kung sino ang nilalaman ng puso niya ngayon.

    “Alam na ng lahat, pero, sasagutin ko na uli: Si Pauleen!” Tuwang-tuwa na sana ang kaibigang Boy Abunda sa pag-amin ni Bossing Vic Sotto na totoo nga namang alam na ng lahat, pero, hindi niya maamin-amin sa tagal ng kanilang relasyon. Natulala kasi si Boy nang banggitin nito ang mismong pangalan ni Pauleen.

    Kahit noong tanungin ni Boy kung mestisa o morena ang gusto niya ngayon, walang gatol na “mestisa” ang sagot ni Bossing Vic at sinundan pa niya ito.

    “Wala na ‘yung morena,” aniyang natawa na ang tinutukoy naman ay si Pia Guanio na may asawa’t anak na ngayon. Tiyak na napanood din ni Pauleen sa Bandila ang nasabing interview at humaba pang lalo ang kanyang
    buhok.

    Kaya nga, kampanteng-kampante si Bimby Aquino Yap kay Vic dahil hindi niya ito kalaban sa puso ng kanyang mom Kris Aquino. Ilang beses na niyang nakikita si Pauleen na dumadalaw sa shoot nila ni Ryzza Mae Dizon ng “My Little Bossings” at sapat na iyon para matiyak niyang nag-iisa siya sa puso ng mommy niya.

    Komportableng-komportable din si Bimby sa company ni Vic kahit sa mga mall shows nila hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa out of town radio tour nila, the most recent was in Cebu. Nakikita si Bimby na nakikipagharutan kay Vic, ganun din kay Jose Manalo.

    Matindi din ang disiplina ni Madam Kris kay Bimby as far as his school activities are concerned. “Hindi nag-a-absent si Bimby,” ani Kris. “Naayos namin ang ganung sked. Sa shoot naman, nakukuha pang turuan ni Bimby si Ryzza ng swimming at taekwondo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here