Kinaliwa ni LJ Reyes??? Paulo Avelino nagtangkang magpakamatay?

    511
    0
    SHARE

    PINABULAANAN ng manager ni Paulo Avelino ang bali-balitang nagtangkang mag-suicide ang actor, although may mga taong naniniwalang totoo ito.

    Ayon kay Leo Dominguez, walang katotohanan ang impormasyon na isinugod sa ospital ang kanyang alaga at nagbanta pang sasaktan ang sarili gamit ang matalas na bagay.

    “There is no truth to the rumor… We were surprised and, at the same time, amused to hear about it. Paulo assures his fans and friends that he is doing ok and busy with work and he hopes that there will be no cause for alarm over this fabrication,” wika ni Dominguez sa isang panayam.

    Katunayan aniya ay abala si Avelino sa mga showbiz projects nito. Una rito, sinasabing affected si Avelino ngayong nali-link ang exgirlfriend niyang si LJ Reyes sa aktor na si JC De Vera.

    Sina Paulo at LJ ay mayroong isang anak na ngayon ay tatlong taong gulang na. Gayunman ay parehong tahimik ang dating magkasintahan kung ano ang nangyari sa kanilang relasyon.

    Totoo man o hindi, may mga nag-iisip namang gimik lang ng kampo ni Paulo ang tangkang pagpapakamatay nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here