Ritz Azul nangangarap maging beauty queen

    414
    0
    SHARE

    DREAM  pa rin ni Ritz Azul na maging beauty queen.

    Pagkatapos niyang mag-pose na sa FHM, pangarap pa rin niyang sumali sa Miss Philippines World at Mutya ng Pilipinas at iba pa.

    Noong nasa elementary at highschool si Ritz, madalas na siyang muse ng kanilang school. Huli niyang napanalunan ay ang Miss Pampanga.

    Ayon sa ama ni Ritz na si Mr. Richard Azul, 51, aksidente lang ang lahat sa pag-aartista ng anak. Nagtrabaho ng 15 years si Mr. Azul sa Bahrain bilang kitchen manager ng isang sikat na restaurant doon.

    Kaya lumaki sa Bahrain si Ritz. Almost 5 years old na siya nang  tumapak sa Pilipinas. Bumili ng taxi  ang ama ni Ritz para maging hanapbuhay. Sa  pagtataksi  ng ama, nakakilala nito ang isang talent manager.

    Nakita nito ang litrato ni Ritz na noo’y 12 years old pa lamang. Nakapasa sa isang audition ng commercial si Ritz.Nakalabas siya sa commercials ng Jollibee, Smart, Lady’s Choice at iba pa.

    Nang mag-audition para sa  Star Factor search ang TV5, nakapasa si Ritz. Napasama sa top 14 hanggang  makaabot sa top 5 finalist.

    Tinanghal na winner sa naturang talent search si Eula Caballero, pang-apat lang si Ritz.

    Pero, unang nabigyan  ng big break si Ritz sa soap na “Nagbabagang Bulaklak.”

    Ngayo’y bida  na si Ritz sa “Misibis Bay,” ang mini series ng TV5  na pinag-uusapan ngayon.Sexy at daring si Ritz sa soap pero, nagugulat ang mga kasamahan niyang veteran stars sa Misibis Bay.

    Naniniwala sina Boots Anson-Roa at Vivian Velez na malayo ang mararating ni Ritz. Leading men ni Ritz sina Christopher de Leon,  Victor Silayan, Vin Abrenica at ang Jap-Brazilian model turned actor na si Daniel Matsunaga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here