Julia Montes kaibigang muli ni Enchong Dee

    382
    0
    SHARE

    Aminado si Julia Montes na nabawasan na ang pagkikita nila ni Coco Martin na dati niyang nakapareha sa Walang Hanggan at na-link din sa kanya for quite sometime.

    Siyempre, hindi na raw katulad dati na everyday ay nagkikita sila sa taping ng Walang Hanggan lalo pa nga’t pareho silang busy ngayon sa kani-kanilang proyekto —  si Julia ay may Muling Buksan Ang Puso at si Coco naman ay may Juan dela Cruz.

    “Nabawasan lang, pero hindi nagbago (ang samahan) parang kami ni Kathryn (Bernardo), hindi kami nagkikita lagi, pero kapag nagkita at nag-usap, same-same pa rin,” say ni Julia nang makatsikahan ng mga reporter sa taping ng Muling Buksan Ang Puso.

    Sa bagong serye ni Julia ay sina Enchong Dee at Enrique Gil naman ang mga leading man ng young actress kaya for sure ay hindi maiiwasang ma-link naman siya sa mga nasabing aktor lalo pa nga si Enchong na dating nanligaw sa kanya at kahit paano’y nagkaroon sila ng special relationship.

    Pero ani Julia, sa ngayon daw ay tina-try muna nila ni Enchong na manumbalik ang dati nilang friendship na as we all know ay nagkaroon ng kaunting lamat because of miscommunications.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here