May trauma pa si Kris Aquino sa tubig kaya ayaw muna niya ngayong magpunta sa mga beach. Takot na takot daw kasi siya habang kinukunan ang scene sa tubig sa Kailangan Ko’y Ikaw sa Zambales.
"Kasi ’yung waves was like surfing waves, so, dapat doon ka malulunod. Eh, hindi pwedeng lumapit para kasi sa camera, parang you’re alone at sea," kuwento ni Kris.
Mababaw lang naman daw ang tubig pero siyempre, ’pag tinamaan ka ng wave ay puwede kang tumilapon.
"Tapos para ma-achieve ’yung kunyari hinigop ka ng ocean, tinalian ’yung waist ko tapos hindi ako winarning para raw mukhang totoo."
Takot na takot daw siya after the scene kaya say niya sa sarili niya, ayaw na niya. Pero bilib daw siya sa co-star na si Anne Curtis.
"Anne was so grabe, athletic. And she’s Australian, ’di ba? She could swim against the surf. Ang galing! Tapos sabi niya, ‘ate, you have to work out na.’ Sabi ko, ‘yeah, that’s what Bimby said.’
Ang maganda raw ay nakapag-bonding sila nang husto ni Anne at panay nga ang pang-aasar sa kanya dahil wala siyang signal sa cellphone niya.
"Masaya naman, pero ’yung lunod talaga…," she said.
Siyempre, hindi na puwedeng ikuwento kung ano talaga ang detalye ng eksena pati na ang mangyayari after the scene dahil ipalalabas pa lang ito.
Pero ’yun nga, ani Kris, dahil may trauma pa siya sa nangyari, give her six months para tumuntong ulit sa tubig.
That’s why, say daw niya sa staff ng Kris TV, huwag muna silang mag-location sa mga beach ng anim na buwan.