Kris Aquino ibinili ng sariling bahay si Josh

    342
    0
    SHARE

    Live ang birthday presentation ni Kris Aquino noong isang araw sa kanyang morning show na Kris TV kung saan ay guests niya sina Iza Calzado, Bianca Gonzales and Rep. Lucy Torres-Gomez with co-host Melai Cantiveros.

    Ang ganda ng usapan ng limang girls at sa totoo lang, bitin ang 30 minutes dahil sobrang interesting ng kanilang topics. Ini-reveal nga ni Bianca na at this point in time na 29 na siya ay naiisip na rin daw niyang mag-asawa.

    "Kung 3 years ago pa ito, puwede ko pang sabihin na "not yet," pero 29 na naman ako ngayon," say ni Bianca na very much happy sa kanyang non-showbiz boyfriend.

    Bukod sa kanyang guests, highlight din ng show ang VTR greetings ng kanyang mga kaibigan mula sa industriya pero ang tumawag talaga ng pansin ay ang pagbati ng dalawang Presidente – ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio at ang Pangulo ng Pilipinas na walang iba kungdi ang kapatid niyang si Noynoy Aquino.

    Parehong na-touch si Kris sa mga mensahe ng kapatid at ng kanyang ABS-CBN boss.

    "Bongga, tinawag akong Reyna ni Mam Charo," proud na say ni Kris.

    Mahaba naman ang mensahe ni P-Noy at makikita mo sa mga pananalita niya ang pagmamahal sa bunsong kapatid. Abot-abot naman ang pasasalamat ni Kris sa kanya dahil sa pagmamahal daw na ipinapakita nito sa kanyang 2 anak.

    Na sa tuwing bibiyahe siya para sa trabaho ay walang reklamo raw nitong inaako ang pag-aalaga sa mga anak.

    After ng live episode ay nakatsikahan namin sandali si Kris at aniya ay may titingnan daw siyang mga bahay later in the afternoon dahil gusto niyang bumili ng bagong residence for investment at para na rin daw sa panganay na si Joshua.

    "I promised myself kasi na whatever happens, Joshi has to have a house. So, kahit ano’ng mangyari (sa akin) later, he can sell, he can rent it out na kanyang-kanya talaga," paliwanag ni Kris.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here