Baron Geisler ipinaglaban ni Derek Ramsay

    385
    0
    SHARE

    “Kuya” ang tawag ni Baron Geisler sa kanyang co-star na si Derek Ramsay, ang bida ng Kidlat, at all praises siya sa aktor dahil daw sa tiwala at suportang ibinibigay sa kanya.

    Baron revealed nang makausap namin siya sa thanksgiving presscon ng Kidlat na si Derek pala ang nakipaglaban sa kanya para manatili sa fantaserye noong time na lumabas ang kontrobersiya sa MVP Ball recently kung saan ay nakainom nga ang aktor at nakaengkwentro sina Divine Lee, IC Mendoza at Edgar Allan Guzman.

    “Derek stood up and ipinaglaban ako and said, ‘I think, he deserves another chance.’ Kaya I really owe Derek a lot,” kuwento ni Baron.

    Hindi raw niya alam kung muntik na siyang matanggal sa serye at basta ang alam niya, medyo nagkaroon ng hindi magandang komento ang TV5 executives tungkol sa kanya and thanks to Derek na talagang ipinaglaban siya.

    Du’n sa recent issue na ’yun ay pinayuhan din daw siya ni Derek para maayos na ang gulo.

    “He told me what to do. Sabi niya, tawagan si ganito, set up a meeting, magkita kayo, mag-promise ka na hindi mo na uulitin. And ginawa ko naman, of course.”

    Kaya nga lalo raw niyang na-feel ang concern sa kanya ng co-star.

    “He’s Derek Ramsay, why would he do that? Hindi tulad ng ibang aktor diyan na ‘bahala ka sa buhay mo, magkalat ka diyan.’ Siya hindi. Talagang totoong tao siya.

    “Parang adviser ko siya and ang suwerte ko nga, eh. Kasi Derek Ramsay, mag-a-advice sa ’yo? So, nakakahiya naman kung hindi ko bibigyang halaga ang mga payo niya.”

    Kaya nga raw, super good boy siya ngayon dahil ayaw daw niyang ipahiya si Derek at ayaw niyang masayang ang tiwalang ibinigay ng aktor sa kanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here