Bea Binene tinotoo na ni Atty Topacio

    804
    0
    SHARE

    HALOS sampung milyong piso ang hinihinging damages ni Atty. Ferdie Topacio sa reklamong sibil na isinampa niya sa mag-inang Carina at Bea Binene, GMA executives na sina Simon Ferrer ng GMA Artist Center, Atty. Lynn Delfin ng Legal Affairs at Atty. Flordeliza Vargas, legal counsel ng mag-ina.

    Isinumite ni Atty. Topacio ang complaint niya noong Huwebes,  sa Regional Trial Court ng Tanuan City, Batangas province.

    Sa reklamo ng lawyer, muling pinabulaanan ni Atty. Ferdie ang alegasyon ng mag-inang hindi nila ito abugado, pati na ang paghingi ng pera at pati pagtulong sa diumano’y pananakot sa kanila ni Papa Dan ng DLWS-FM.

    Naging detalyado pa nga ang istorya tungkol kina Bea at Papa Dan na nakasaad sa reklamo na nagsilbing mitsa upang sumabog ang hidwaan sa lawyer at mag-ina.

    Tinuluyan ni Atty. Topacio ang pagsampa ng milyong damage suit sa mga defendant upang protektahan ang pangalan niya na kanyang inalagaan ng maraming taon.  

    Sa complaint, isa-isang binanggit ang kanyang achievements upang marating ang estado bilang nirerespeto at pinagpipitaganang abugado ng ilang prominenteng personalidad.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here