Is he the politician na ex daw niya??? Sino si SWEETY sa buhay ni Cristine Reyes?

    440
    0
    SHARE

    Bago umalis para sa Star Magic Teleserye Bida Show si Rayver Cruz, na-interview siya ng mga TV reporter sa airport tungkol sa mainit na pinag-uusapan ngayong diumano’y breakup nila ni Cristine Reyes.

    Ang lumalabas na dahilan ng breakup ay si Piolo Pascual, kapareha ni Cristine sa Dahil sa Pag-ibig.

    Ayon sa young actor, wala itong katotohanan at lalong hindi totoo na nagseselos siya kay Piolo.

    “Nahihiya nga ako para kay PJ kasi sobrang bait niyang tao at kaibigan ko talaga siya, pero alam naman niya ’yon,” say ni Rayver sa ABS-CBN news.

    Ayon pa sa young actor, hindi rin niya alam kung paano at saan galing ang balita.

    “Kapag hindi masyadong nagkikita dahil busy ay break na?” say pa niya.

    Normal naman daw sa isang relasyon ang nagkakatampuhan o nag-aaway at hindi niya raw alam kung bakit naging issue na break na sila.  

    “Katulad ng sinabi ko, ever since ay okay kami, same pa rin. ’Di na kailangang palakihin ang isyu, ganoon pa rin,” pahayag pa ni Rayver.

    Nauna rito, nagbigay na rin ng maikling text message si Cristine sa The Buzz last Sunday saying na okay sila ni Rayver.

    Pero may nakausap naman kaming isang malapit kina Rayver at Cristine na nagsabing talagang split na ang dalawa at kaya ayaw pang umamin, dahil hoping pa rin ang young actor na maaayos sila lalo pa’t nagsalita ang girlfriend na okay sila.

    Say pa ng source, sa ngayon, dedma nga raw si Cristine sa mga tawag at text ni Rayver at ayaw na niyang kausapin ang young actor.

    Umalis na si Rayver kasama ang iba pang Star Magic talents at naringgan pa raw ang young actor na nagsabing, “hindi ko siya tatawagan o ite-text, hahayaan kong ma-miss naman niya ako at baka magbago ang isip.”

    Nakalilito kung ano ba talaga ang totoo, break na ba o hindi pa?

    ’Yan ang million-dollar question.

    Pero heto ka, may source who said something like na isa sa mga pinagseselosan ni Rayver ay yung may politician daw na kaagaw nito kay Cristine.

    Ayon kasi sa source, hanggang ngayon daw, gustung-gusto pa ng politician si Cristine kahit pa nga matagal na yung romantic liaison nila ni Cristine.

    Kung paniniwalaan ang source, naging magkarelasyon ang politiko at si Cristine noong starlet days pa lang ng kapatid ni Ara Mina.

    Ang politiko raw mysterious SWEETY na pinagseselosan ni Rayver Cruz.

    How true?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here