Sina Robin Padilla at Kris Aquino ang magkatambal sa Kailangan Ko’y Ikaw.
Nagkaron na ito ng story conference last Thursday night sa 14th Floor ng ELJ Bulding.
Present ang tatlong lead stars at ang isa rin sa main cast na si Xyriel Manabat.
After the storycon, binigyan ng surprise birthday treat sina Anne and Kris na sabay na magdiriwang ng kanilang kaarawan on Feb. 14.
Pagkatapos nito, nagkaroon na ng tsikahan with the press.
Sobrang excited ang tatlo sa project dahil napakaganda raw ng materyal. Siyempre, bilang dating na tsismis sina Kris and Binoe, kinakantiyawan sila ng press.
Mag-asawa ang role nila rito kaya hindi maiwasang maitanong kung may kissing scene.
Nagbiro nga si Robin na gusto raw niya, torrid kissing scenes at say naman ni Kris, “Why not?”
Dugtong pa ng actress-TV host, “Eh kasi, tatlo naman ang anak namin dito, paano naman kami nagkaanak kung wala namang love scene na naganap?”
Humirit pa ng question si Anne ng, “How far do you plan to go, ate?”
Sagot ni Kris, “This is TV, Anne. So, how far can you really go? ’Yung far na far, hintayin na lang natin kasi may movie ako for that.”
Leading lady din ni Robin si Anne kaya naman natanong din ang young actress kung okay din sa kanya na magkaroon ng kissing scenes sa action star.
“Of course, of course. With this role comes a mature love story. So, I’m game, of course, to do what my role requires to do and kung ’yun ang requirement, why not?”
Proud ding ikinuwento ni Kris na nakaka-touch si Robin dahil panay ang ‘thank you’ sa kanilang dalawa ni Anne.
“He kept on saying ‘thank you’ talaga sa amin ni Anne. Sabi niya, ‘uy, thank you, thank you talaga.’ Para bang sabi ko, ‘we’re so important, tayo ang tine-thank-you-han ni Robin Padilla.’
“Kasi nagawan nila ng paraan to make a series that will have the element of action pero pumayag si Robin talaga na at its core, it’s a family drama and a love story. Kaya, yey!” say ni Kris.
Pero paano ’yan, baka magselos na naman si Bimby, this time kay Robin, lalo na’t makikita silang may kissing scenes?
“No, kasi bago ako pumunta rito, in-explain ko sa kanya at sinabi ko sa kanya na ‘honey, when it’s in front of the tv, you know, it’s pretend. So, ’pag pretend, okay lang. Sabi ko, ‘it’s pangit if it’s real life but if it’s in front of the camera, it’s work, it’s okay.
“So, okay siya ru’n. Basta work.”
Magsisimula nang mag-taping ang serye sa Feb. 21 at ididirehe ito nina Malou Sevilla at Joyce Bernal.