Melissa Ricks dalawang taon nang karelasyon ni Jake Cuenca

    427
    0
    SHARE
    Nauna nang umamin si Jake Cuenca tungkol sa tunay na relasyon nila ni Melissa Ricks.

    Heto naman, si Melissa naman ang napilitang umamin na rin sa gitna ng kontroberysa sa ginagawa niyang teleserye sa ngayon.

    Daring kasi ang role niya.

    “He’s very supportive naman, pero hindi pa niya napapanood ang mga eksena, so, hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita na niya. Pero alam niya, sinabi ko sa kanya, and he knows about the story also, alam niya ang story ng Nasaan Ka Eliza.”

    Speaking of Jake, nasaan na ba ang relasyon nila ngayon?

    “Ako, basta, masayang-masaya ako na alam kong may taong nagke-care sa akin, may taong inaalagaan ako and alam ko na mahal naman niya ako.”

    Umamin na si Jake na talagang may relasyon sila and in fact, ayon nga sa aktor ay two years na sila, si Melissa ay hindi pa makaaamin nang diretso pero dating daw sila ngayon at nagke-care sa isa’t isa.

    May anniversary rin daw sila kaya say ng mga reporter, ’yun na ’yon.

    “Eh, ’di ’yun na ’yon,” pagsang-ayon naman niya.

    Masayang-masaya ang bidang si Melissa dahil pagkatapos ng mahabang paghihintay, dumating din ang biggest break.

    Ayon sa young actress, hindi siya nainip sa paghihintay dahil in the first place ay wala naman siyang dine-demand from the management.

    “Ako naman, I never asked for a lead role, I just wanted work, I just wanted to act, I just wanted to give impression to people na kaya kong gampanan ang mga ibinibigay sa akin. And sobrang thankful ako na ’yung management, ipinagkatiwala sa akin itong role kahit alam nilang medyo conservative ako, they gave me a role that could really challenge me.

    “It doesn’t matter kung I waited six years, five years, one year, as long as I’m given what I deserve,” say ni Melissa.

    Dahil launching niya ito, ano ba ang kaya niyang gawin sa serye?

    “Dahil launching ko, lahat ng makakaya ko, gagawin ko. Hindi ko sinasabi na magbo-bold ako or super sexy, basta whatever the role calls for, gagawin ko.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here