Sarah Geronimo napikon sa mga fans ni Kim Chiu

    289
    0
    SHARE
    Obvious na naiinis si Sarah Geronimo at hindi siya natutuwa sa mga intriga na ikinakabit sa kanilang dalawa ni Gerald Anderson dahil sa planong pagsamahin sila sa pelikula.

    Ayon kay Sarah, nauunawaan niya ang Kim Chiu-Gerald fans at siya na mismo ang nag-step down para hindi matuloy ang movie nila ni Gerald.

     “Masyado nang maraming nasasabing hindi maganda sa amin,” sabi ni Sarah. “Naiintindihan ko lahat ‘yung mga fans ng Kimerald wala sa akin ‘yon. Hindi ko po kasi ipinagpipilitan ang sarili ko na makapareha si Gerald. Wala na, tapos na po. Ako na po ang nagsa-sabi na itigil na po natin kasi hindi maganda ang nagiging resulta, huwag ipilit.”

    Heto naman ang mataray na komento ng isang loyal Sarah fan na malapit din sa amin: “Bakit naging box-office queen at king na ba ang inyong idolo? May napatunayan na ba silang pareho sa kanilang career. Kung hindi pa panay ang press release ng Kapamilya tungkol sa loveteam nilang dalawa (Kim at Gerald), mapag-uusapan ba sila?”

    Nakapaglitanya ang loyalista ni Sarah dahil factual naman na ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na ang may hawak ng korona bilang Concert Queen na matagal ding hawak ni Pops Fernandez.

    Kumpirmado ring na-break ni Sarah ang concert record ng mga nagsipag-show sa Araneta.

    Very thankful ang singer sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa kanyang Record Breaker concert.

    Laban ka pa, Kim Chiu!  

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here