Babala: Kris Aquino dapat mag-ingat kay Annabelle Rama

    398
    0
    SHARE
    Sa malao’t madali hindi na makapagpipigil pa si Annbelle Rama sa mga ginawang pagbubulgar ni Kris Aquino tungkol sa anak nitong si Ruffa G. Ma-imagine mo nga namang ireto ni Kris si Ruffa sa anak ni mayor Jojo Binay gayung kamamatay lang ng asawa nito. Kung anik-anik pa raw ang mga nakasusulasok na bagay na pinagsasabi ni Kris kay Ruffa kaya expect that any moment, tatalakan ni Annabelle si Kris Aquino.

    Sa sobrang pagiging madada raw ni Kris ngayon, sa halip makatulong siya sa kandidatura ni Noynoy ay baka mas lalo pa itong di iboto ng taumbayan.

    Matuk, pati si Shalani Soledad na syota ni Noynoy ay sinagasaan by making reto si Noynoy kay Ruffa.

    Nakakasuka’ng trabaho, hindi po ba?

    Well, sa ngayon Ruffa is talking to some of her close friends in the industry at halatang kinokondena si Kris Aquino dahil nga binabastos na siya nito. In the long run, this issue will run out of hand, at gaya ng sianbi namin, posibleng si Annabelle Rama na’ng humarap sa giyerang napipinto kina Ruffa at Kris.

    When this happens, giba na ang lahat ng mga plano sa kandidatura ni Noynoy Aquino.

    At ‘yan ay dahil sa kagagawan ng kanyang favorite sister na si Kris Aquino.

    Take note, inulan ng negatibong reaksiyon ang panunukso ni Kris Aquino kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz, last Sunday. Ito ‘yung panrereto nga niya kay Ruffa sa anak ni Jejomar Binay . Patay malisya naman si Kris Aquino sa ilang press na kumausap sa kanya by saying  na hindi pa rin nito tinukoy kung sino ang nasabing politiko. Sey n’ya, “It’s not proper kasi kamamatay nga lang ng asawa n’ya so better next year of August na lang sa babang luksa ko sasabihin.” Wala naman daw nakikitang masama ang TV host at hindi naman daw n’ya ito binanggit. Tulad ng eksplanasyon n’ya sa programa nitong SNN ay ayaw na raw n’yang magsalita pa.

    Ay ganoon!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here