Nasa smiling mood si Cristine Reyes pagkatapos niyang pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN. Very animated ang youngstar na nagkuwento sa press na napag-isip-isip raw niya na ang pagpirma ng bagong kontrata sa Dos ang tamang desisyon na dapat niyang ginawa noon pa man. Hindi kasi kaila nag-dilly-dally pa’ng kampo ni Cristine at nagtangkang lumipat sa GMA 7. Totoo naman daw kasing nakipag-negotiate pa sila sa Siyete bunga ng malaking tampo niya noon sa mga nakasama niya sa isang sitcom sa Dos. Sobrang sumama raw ang kanyang loob pero ngayong nakapirma na nga siya ng bagong kontrata, nakahinga na siya nang maluwag.
“Sila talaga’ng dahilan kung bakit lumaki ang pangalan ko, ginawa nila akong tunay na aktres at ngayon ko lang na-realize na talagang mahal nila ako. Hindi na ako dapat nagdalawang-isp noon,” sabi pa nitong nakangiti sa mga press na kausap niya kaugnay ng pagpirma niya ng bagong kontrata na ang tinutukoy nga ay ang pamunuan ng ABS-CBN.
Pero walang tiyak ang kasagutan ni Cristine kung babalik pa ba siya sa Banana Split. “Bahala na, ang mahalaga, nandito na akong muli at Kapamilya na naman. “Ang sigurado ko, bibigyan nila ako ng Cristine series at gagawa ako ng Your Song. Yung iba, saka na muna. Next year siguro, baka may mga plano na sila sa akin,”sabi pa nito.
Samantala, magtutungo sa Korea ang Pinay sexiest woman ng FHM na si Cristine.
Dadalo kasi siya sa 2009 Seoul International Drama Award dahil nominado siya for Best Actress, pati ang kanyang TV show sa ABS-CBN na Eva Fonda ay nominado rin for a special category.
Tsika ni Cristine, ngayon pa lang ay excited na siyang pumunta sa Korea dahil ito raw ang kaunaunahan niyang acting nomination at sa ibang bansa pa.
“Nagulat ako nang ibalita sa akin na nominated ako na Best Actress sa 2009 Seoul International Drama Award.
“Sosyal ‘di ba? Hindi lang pang-Pilipinas ang acting ko kundi pang-Korea pa,” aniya.
“Bongga sila dahil sagot nila lahat ang gastos ng pagpunta ko roon, mula sa eroplano, hanggang sa hotel na titirhan ko. Kaya wala akong gastos kung hindi ‘yung pag-shopping lang.
“Happy ako kasi sa ibang bansa ay napansin ang acting ko. Hopefully dito sa Pilipinas mapansin din nila ang acting ko.
“If ever na manalo, iniaalay ko ito sa bansa natin. I’m proud to be Pinoy yata.“Ngayon ako naniniwala na suwerte talaga kapag loveless ka. Mas maraming blessings sa trabaho ang dumarating. Kaya naman mas magandang mag-focus muna ako sa career ko at dedma muna sa lovelife,” serysosng salita pa ni Cristine.