Lovi Poe di raw totoong pumatol sa verbal harassment ni Rosanna Roces

    88
    0
    SHARE
    Kahit sa mga blind items, isinasaad na napuno na raw masyado si Lovi sa mga patutsada sa kanya ni Rosanna Roces. Masyado nga kasing naabuso sa mga write up yung kesyo isinasali nga raw  siya ni Osang sa galit nito sa mga Revilla. Ayon nga sa report, minsan daw, sinagot-sagot nang pabalang ni Lovi at nagbantang papatulan nga niya’ng senior star na gumaganap na nanay niya sa Lip Gloss ng TV 5. Dahil daw sa insidente, pinaghiwalay na raw sila ng taping day para nga di na matuloy ang tension sa dalawa.

    Pero nang makasusap nga press si Lovi, pinabulaanan niyang may nangyari sa kanila ni Osang. While aniya, totoo yung sa tingin niya, walang respeto sa kanya si Osang, sinabi nitong iginagalang niya ito kahit kalian daw hindi siya papatol dito dahil alam naman niyang mas may edad nga ito sa kanya.

    “Ako yung tipo ng taong I can’t take hurting other people’s feeling. And surprisingly, even if she does it to me, I still don’t want to aggravate the situation. I still don’t want to judge her for what she did. Maybe she has her own reason. At yun nga, labas naman ako sa kung anuman ang isyu. So sana lang, maayos na lang lahat,” umaasa pang sabi ni Lovi.

    In the same interview na may connection sa sa promo sortie ng kanyang Walang Hanggang Paalam, winakasan na rin ni Lovi ang mga haka-hakang umalis na siya sa GMA 7. Noon pa nga kasi usaping nagalit sa kanya ang Siyete dahil sa pagganap niya sa Lip Gloss. Once and for all, nilinaw ni Lovi ang isyung ito. 

    “Ngayon, of course, sa GMA ako. I have a show now. Kasama ako sa sitcom ni Mr. Manny Pacquiao. And then, merong inaayos after that. So let’s wait and see.”

    Ang tinutukoy na sitcom ni Lovi ay ang Show Me The Manny, kung saan kasama rin si Marian Rivera.

    So, hindi totoong aalis siya ng GMA-7 at lilipat sa ABS-CBN?

    “A, no…no,” nakangiting sabi ng anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here