Lover ni Mommy Dionisia humirit pa rin

    97
    0
    SHARE
    Kahit nag-deny na si Mommy Dionisia tungkol sa bagets lover supposedly nitong dance instructor, patuloy pa rin ang mga intriga. Kung noon, sinasabing hinarap ni Manny Pacquiao ang bagets at sinabihang tigilan na nito ang nanay niya, ngayon ay may sitsit namang okey na raw kay Manny ang ‘stepfather’ niyang higit pang bata sa kanya. Lagi raw kasa-kasama ngayon ni Mommy yung DI na may basbas na’ng mga anak niya. Ang hindi masabi ng tsismis ay kung inambunan na ni Mommy Dionisia ang bagets nung humihingi ito ng tatlong milyong pisong puhunan sa negosyo. Sabi raw kasi nito kay Manny, ‘mahal ko si Dionisia at at nagmahalan kami.’

    Anyway, sabi-sabi nga sa showbiz na kasama lagi sa entourage ni Aling Dionisia ang bagets bukod sa santambak na mga alalay na nakapaligid dito sa tuwing may event itong pinupun- tahan.

    How true?

    Kaugnay nito,  star treatment daw ang ibinigay ng GMA-7 kay Aling Dionisia sa unang araw ng taping niya sa kanyang show rito.

    Ka-share lang naman niya sa dressing room si Marian Rivera, na nasa ibaba at very convenient dahil malapit sa studio mismo ng sitcom ng Show Me Da Manny.

     Tinalo pa ni Mommy Dionisia sa dami ng alalay si Marian. huh!

    Kumpleto ito dahil may dance instructor, dresser, body guards at personal na alalay.

    Sa teaser na ipinakita sa acting ni Aling Dionisia ay pasado na siya bagaman hindi nawawala ang kanyang Visayan accent.

    Dahil na rin magaling ang bitbit niyang make-up artist, super-sosyal ang dating ng 60 years old na mother ni Pacman.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here