JC Tiuseco di masikmurang panoorin ang sex video nina Katrina Halili at Hayden Kho

    984
    0
    SHARE
    Aminado si JC Tiuseco na naaawa siya sa sinapit ni Katrina Halili sa mga kamay ni Hayden Kho. Aniya, nakikisimpatya siya dahil kaibigan ang turing niya kay Katrina Halili. “Mabait siya, ‘di pa kami ganuon ka-close pero papunta na sana kami roon,” nakangiting pagtatapat pa ni JC nang umaten nga ito sa 25th Star Awards sa Ateneo De Manila Theater noong isang gabi.

    Nang intrigahin si JC ng ilang reporter tungkol sa di umano’y pagkakaroon nila ng relasyon ni Katrina, buong ningning na nag-deny si JC. “Wala talaga, mali yung na-report na magksama kami sa Boracay,” nakangiting sagit ni JC.

    Pero wala naming masama, di poba, kung totoong nil]igawan ko siya. Maganda po si Katrina, mabait, talagang ideal woman siya ng mga lalaki, pero ako, malayo pa po ‘yun. Sa rami ng ginagawa ko ngayon, wala po muna akong panahon sa pag-ibig na ‘yan. Baguhan lang ako, trabaho muna.”

    Malaki raw ang impact sa kanya ng iskandalong kinasangkutan ni Katrina Halili. “Like I said, we are friends, ako bilang baguhan sa showbiz, parang nagkaroon ako ng trauma. I don’t want to say na ganito na puro iskandalo sa showbiz. So far naman, in my short stint sa business, I have yet to experience some wild things in my career. So far, so good, I still experience the best here.”

    Kung napanood na ba niya yung video nina Katrina at Hayden? “Wag na lang po, bilang respeto kay Katrina, there is no sense na kailangan ko pang panoorin. I have some high respect for Katrina and I don’t want to be a part in any way sa pambababoy na ginawa sa kanya.

    “Isa pa po, wala po akong hilig sa ganyan. Di po ganyan ang nakalakihan kong buhay,” may kahulugang pagwawakas pa ni JC Tiuseco.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here