Joey de Leon ayaw nang patulan ni Willie Revillame

    383
    0
    SHARE
    Sa halip na matuwa at nasali siya sa top 50 most powerful celebrities ng Yes Magazine survey si Joey De Leon, nagbigay pa siya ng maahang na komento nang matanong tungkol sa reaction niya. Halata na di masaya si Joey dahil number one sa survey si Willie Revillame at siya ay pang sampu lamang.

    “Sa akin sana, nabigyan ng weight yung power na… Naguluhan ako, e. Ito ba ay power sa pera, power sa kung anu-anong bagay? Yung power ba rito ay kasali yung respeto ng tao? Ikaw ba ay walang dinaya sa buhay mo sa pagiging powerful mo? Ikaw ba’y walang ginoyo? Naging malinis ka ba o pantay sa pakikisama sa mga tao? ‘Yan ang hinihiling ko. Kasi you cannot equate power with respect. So, ‘yon. Respeto ang number one. Kaya sa akin, okay lang, no thanks. Thank you, but no thanks,” pahayag ni Joey.

    Kahit hindi nagbanggit ng pangalan si Joey, halata na may pinatatamaan siya. At base sa opinyon ng marami, ang tinutukoy ni Joey ay walang iba kundi ang nakaalitan niyang host ng Wowowee na si Willie Revillame.

    Nakarating na kay Willie yung komento ni Joey at aniya ‘wag na lang patulan yun.

    Katwiran niya, hindi naman siya ang namili at nagbigay sa kanya ng  recognition. Pangalawa, hindi naman daw  pumasok sa isip niya na powerful nga siya.

    “I believe also na bago nila inilabas ‘yan, meron silang ginawang masusing pag-aaral para diyan. Ni hindi ko nga alam ‘yan, pati ang criteria nila,” pangwakas na pahayag pa ni Willie Revillame.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here