Iniisahan sa talent fee??? Sarah Geronimo gusto nang kumawala sa Viva Films?

    435
    0
    SHARE
    Posibleng di na mareresolba ang kuwestiyon sa talent fee ni Sarah Geronimo mula sa Viva Films. As we all know, lumalabas na sobrang liit lang pala ang inia-assign ng Viva Films bilang talent fee ng kanilang alaga sa dalawang pelikula niyang blockbuster sa kanila. Minus their 30% commission, bale 140k at 210k respectiveley ang bayad sa kanya ng Star Cinema para sa dalawang blockbusters na ginawa ni Sarah na katambal si John Lloyd Cruz. Ipinamarali ng Star Cinema na nakadalawang daang milyong piso sa takilya yung latest pero di sila nahihiya na amining ganoon lang kaliit ang ibanayad nila sa magaling na singer.

    May palusot ang Star Cinema, sabi nila ang Viva raw ang nagsasabi sa kanila na ganoon lang ang dapat ibayad kay Sarah.

    Consider these excepts from an article written about the issue.

    Alam naman daw ng marami na si Sarah ay mina-manage ni Vic del Rosario ng Viva Entertainment. Dahil talent ng Viva si Sarah, sila ang nakakaalam kung magkano ang talent fee na dapat ibigay sa Pop Princess.

    Idiniin din ng aming source na sa Viva lang daw may kontrata si Sarah at wala sa Star Cinema. Kaya paano raw sasabihin na P200,000 at P300,000 lang ang in-approve na budget ng Star Cinema para kay Sarah.

    Nagulat pa nga raw ang Star Cinema nang malaman nila na sa kontrata ni Sarah sa Viva ay P50,000 lamang diumano ang naka-specify na talent fee ng singer-actress sa lahat ng pelikulang gagawin niya sa Viva, na tatakbo ng marami pang taon.

    Sabi ng aming source, “It was only Malou Santos, managing director of Star Cinema who said, ‘Ang liit naman niyan. Lakihan n’yo naman.’ And then, si Vic said, ‘Sige, gawin nating P200,000.’

    “Actually, nagba-backout na nga raw ang ina ni Sarah [Mrs. Divine Geronimo] at ayaw gawin ang A Very Special Love. Kasi nga naman, kayang kitain ni Sarah sa mga show niya ang P200,000 kesa sa pagsu-shoot ng ilang linggo para sa  movie.

    “Kumbaga, it’s Viva’s ball pagdating sa talent fee ni Sarah. Walang say ang Star Cinema. Ang Star ang producer ng pelikula. Pero pagdating kay Sarah, Viva ang nagha-handle noon.”

    Pagdating naman daw sa bonus, si Ms. Malous Santos daw ang nag-push na bigyan si Sarah ng P1 million. At dito, nag-agree ang Viva at nakihati sa bayarin bilang co-producer ng pelikula.

    “Actually, sinabi pa ni Malou, ‘Uy, huwag na ninyong bawasan ng 30-percent commission ang bonus ni Sarah.’ Kasi kinakaltasan si Sarah ng Viva ng 30-percent commission as part of their agreement siyempre. So, kung P200,000 ‘yon, less 30 percent, so mga P140,000 siya sa first film at P210,000 naman dun sa second movie,”

    pagkukuwenta pa ng aming source.

    Nais linawin ng Star Cinema ang isyu tungkol sa talent fee ni Sarah Geronimo para sa mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life.

    “Si Sarah ay isang Contractual Talent ng Viva Films, na co-producer ng mga nabanggit na projects. Ang pakikipag-negosasyon para sa kanyang Talent Fees ay katulad ng kay Anne Curtis para sa mga pelikulang When Love Begins at ‘Wag Kang Lilingon. Ang mga talent fees nina Sarah at Anne para sa kanilang mga pelikula ay rekomendasyon na nanggagaling sa Viva Films. Sa kaso ni Sarah, tumupad lamang ang Star Cinema sa kanyang Contractual Agreement sa Viva Films.

    “Nirerespeto ng Star Cinema ang Talent-Manager relationship ni Sarah Geronimo at ng Viva Films. Ang Viva ang namamahala sa kanyang Talent Fees at walang kinalaman dito ang Star Cinema.

    So there!

    Malinaw na inisahan ng Viva Films si Sarah Geronimo. Komo nga part producer, sila ng mga pelikula ni Sarah, ginawa nilang ganoon lang kaliit ang budget para kay Sarah para higit na mas malaki ang pumasok sa kanilang kaban. Kumbaga, interes lang ng Viva ang kanilang inisip at never yung kay Sarah G.

    Kaya hindi na kami magtataka kung hindi na mareresolba ang isyung ito at tatapusin na lang ni Sarah ang kanyang kontrata at tuluyan nang lumipat sa ibang management.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here