Friends lang daw nito si Charee Pineda…
    Janus Calara ex pala ni Jamilla Obispo

    842
    0
    SHARE
    Nakahalungkat na naman kami ng bagong sikreto sa buhay ng aming friend na councilor ng Magalang, Pampanga na si Janus Calara.

    ‘Di ba, kami ‘yung isa sa unang nag-squeal sa ‘di umano’y romantic relationship niya sa sumisikat na youngstar na si Charee Pineda. It turned out, ayon mismo kay Charee, ‘di naman pala sila romantically inlvolved ng Pampanga councilor.

    Hepo ka, ayon sa isang source na nakausap namin, totoo naman daw ‘yung sinabi ni Charee, magkaibigan lang daw sila, no more no less.

    Ang true pala, ang inaamin ni Janus ay naging ka-on niya dati ang PBB Teen Edition housemate na si Jamilla Obispo. Na ayon gga raw kay Janus, according to our source, talagang kamuntik nang magkatuluyan sila. Pero dahil makialam ang kapalaran, naghiwalay sila ng landas at ngayon nga, available pa ang binatang konsehal ng Magalang, Pampanga.

    We are trying to reach Janus Calara to confirm matters pero incommunicado siya at the moment.

    So, totoo ‘yung pahayag ni Charee Pineda na magkaibigan lang sila ni Janus Calara.

    Pero nakaiintriga talaga na sina Janus pala at Jamilla ay nagkaroon ng relasyon.

    Posible kayang si Janus ‘yung tatay ng anak ni Jamilla Obispo?

    Nagtatanong lang po.

    Magsalita ka na kasi, Mr. Councilor.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here