Rico Barrera, gustong sabayan ang ex-gf na si Bangs Garcia sa pagpapa-sexy?

    539
    0
    SHARE

    Produkto ng “Pinoy Big Brother Edition 1 “ ang hunk actor na si Rico Barrera. Siya ang kauna-unahang evictee sa nasabing reality show ng ABS-CBN. Ipinalabas sa Maala-Ala Mo Kaya ang makulay niyang buhay kung saan siya mismo ang gumanap.Nagkaroon siya ng solo segment sa ASAP Live nuong kainitan ng PBB fame sa ABS-CBN. Napasama na rin siya sa hit soap-opera na “Gulong Ng Palad” kung saan gumanap siyang lover ni Andrea del Rosario.

    Nawala for a while si Rico,ayon sa hunk actor ay naging abala siya sa paggawa ng commercial at modelling. Kagulat-gulat na sa pagsalang niya sa pelikula ay isang sexy film ang ginagawa niya under Leo Films entitled “LALAMUNAN”. Sabi-sabi,nais mag-ingay ni Rico para sabayan ang pagpapa-sexy ng kanyang ex-girlfriend na si Bang Garcia. Matapos ang maingay na pagpapa-sexy ni Bangs Garcia sa teleserye na “Palos” with Jake Cuenca ay nasundan ito ng pagpo-pose nito ng daring bilang cover ng “Maxim” at may sexy calendar/ endorsement rin na lalabas next year ang dalaga sa ilalim ng sikat na alcohol product.Inuulan rin ng offer sa paggawa ng sexy movies si Bangs na masusing pinag-aaralan ng Star Magic.

    Sa mga di-nakakaalam halos dalawang taon ang relasyon nina Bangs at Rico.Unang nagkakilala ang mag-ex sa isang beauty pageant kung saan modelo pa nuon ang dalaga. Hindi itinanggi ng hunk actor ang nakaraan nila ni Bangs…” Two years kami. Masaya.
     
    Siyempre minahal ko siya.Nuong huli,kahit masakit naghiwalay kami, no third party. Ang rason marami kami na hindi pinagkakasunduan. Kaya nag-decide kami na hangga’t we still love and care for each other eh, maghiwalay nang magkaibigan.I think pareho na kami naka-move on…”pagtatapat ni Rico.

    Sa mga nakapanood ng rushes ng “Lalamunan” marami ang nagulat sa pagpapa-sexy ni Rico.Marami siyang eksena na naka-skimpy briefs na puwede siyang tawagin na “bukol king”. Matindi ang mga love scenes niya with original Viva Hotbabe Hazel Cabrera na siyang ka-partner niya sa pelikula.Tiyak na pag-uusapan ang eksena nila sa jacuzzi kung saan pareho silang walang saplot. May mainit na eksena rin siya sa bagong Viva hotbabe na si Maricar dela Fuente na gumanap na obsessed girflriend niya.

    Dahil sa mapangahas na eksena ni Rico sa pelikula, ini-intriga siya na sinasabayan niya si Bangs Garcia sa pagpapa-sexy para tapatan at huwag siyang mapag-iwanan nito sa pagsikat. Natatawa na sinagot ni Rico ang intriga…” Ginawa ko lahat ‘yon kasi gusto kong mag-grow as an actor. Hindi siguro puwede na puro pa-cute ang gagawin ko. Hindi ako nag-all the way sa “Lalamunan” para sa mga susunod ko pang pelikula ay may aabangan pa sila sa akin.Walang koneksyon si Bangs sa mga desisyon ko ngayon sa career ko.May sarili na kaming buhay pareho. I wish her well. This time gusto ko muna mag-seryoso sa acting career ko.Wala munang seryosong relasyon para maka-focus ako…pagwawakas ng hunk actor.

    May premiere night sa UP Film Center ang “Lalamunan” sa November 13. Ang regular showing nito ay sa Novermber 19 in selected theaters nationwide. Bukod kina Rico Barerra,Maricar dela Fuente at Hazel Cabrera kasama rin sa pelikula ang nagbabalik na si Jordan Herrera sa napaka-daring na pagganap bilang bisexual husband ni Hazel at ang “frontal nudity king” na si Ran Domingo na ni-launched sa “Binyag”.Mula ito sa panulat at direksyon ng award-winning scriptwriter at stage actor na si Jigz F. Recto.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here