P180-K shabu narekober sa napatay na drug suspect

    308
    0
    SHARE
    BOCAUE, Bulacan —- Isang drug suspek ang napatay sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan sa Barangay Bunlo dito nitong LInggo kung saan narekober ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P180,000.

    Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Winston Cagampang, 34, residente ng Barangay Tonsoya, Malabon.

    Si Cagampang ay napatay sa loob ng isang bahay matapos umanong manlaban sa pulis na nagpanggap na buyer ng ilegal na droga.

    Agad umanong bumunot ng baril ang suspek nang matunugan na pulis ang katransaksyon ngunit agad na napatay ng mga operatiba.

    Bukod sa 30 gramo ng shabu, narekober sa suspek ang .38 revolver at marked money.

    Sinasabing nasa drug watchlist ang suspek at nagdedeliver ng shabu sa Bocaue mula sa Valenzuela City.

    Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here