Home Headlines Gulayan sa Barangay: Hydroponics, seedling planting, paggawa ng organic fertilizer itinuturo sa Angeleño 

Gulayan sa Barangay: Hydroponics, seedling planting, paggawa ng organic fertilizer itinuturo sa Angeleño 

191
0
SHARE

LUNGSOD NG ANGELES — hindi kailangang magkaroon ng malawak na lupain upang makapagtanim. Ito ang isa sa mga mensaheng ibinahagi ng city agriculture office sa mga Angeleñong lumahok sa Gulayan sa Barangay sa Barangay Agapito Del Rosario noong Sept. 3.

Sa suporta ni Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II, tinuruan ang mga kalahok ng iba’t ibang praktikal na paraan ng pagtatanim na maaari nilang gawin kahit sa tahanan at sa limitadong espasyo. Kabilang dito ang hydroponics, basic seedling production at pagtatanim, at paggawa ng organic fertilizer. 

Ipinakita rin sa mga kalahok na maaaring magsimula sa simpleng mga lalagyan at recycled materials, kabilang ang plastic cups at iba pang maaaring gawing containers, upang magkaroon ng sariling gulayan. Mahalaga ito lalo na sa isang highly urbanized na lungsod tulad ng Angeles City, kung saan maraming pamilya ang maaaring walang malawak na bakuran para sa tradisyunal na pagtatanim.

Sa pamamagitan ng Urban Agriculture Program, nais ng pamahalaanglLungsod na hikayatin ang mga Angeleño na matutong magtanim ng sariling pagkain, saanman may maliit na espasyo—sa paso, container, bakuran, o iba pang ligtas at angkop na lugar sa tahanan.

Ang Gulayan sa Barangay ay patuloy na iikot sa iba’t ibang barangay ng Angeles City. Ang mga interesadong residente ay hinihikayat na makilahok at makipag-ugnayan sa kanilang barangay para sa schedule at iba pang detalye ng programa. 

Sa mga susunod tutungo ang programa sa: Salapungan — Sept. 9; Sapalibutad — Sept. 10; Amsic — Sept. 16; Pampang — Sept. 17; Mining — Sept. 23; Pulung Cacutud — Sept. 24; Cut-Cut — Sept. 30; at Sapangbato — Oct. 1.

Magpapatuloy pa ang programa sa iba pang barangay ng Angeles City.

Sa pangunguna ni Mayor Jon, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay ng kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga Angeleño—sapagkat sa bawat tahanang natututong magtanim, may pagkakataong magkaroon ng mas sariwa at masustansiyang pagkain para sa pamilya. Angeles CIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here