Kantero pinabagsak ng riding-in-tandem

    386
    0
    SHARE

    ABUCAY, Bataan– Isang kantero ang binaril at napatay ng isa sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo  habang   papasok sa maliit na eskinita mula sa MacArthur Highway papunta sa kanilang bahay Lunes ng gabi. 

    Ayon kay Purita  Sambal, nagtamo ng anim na  tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang kanyang panganay na anak na si Ronnie Sambal, 45, ng Barangay Capitangan sa bayan ng Abucay. “Walang nasasabing kagalit ang anak ko. 

    Nanggaling lang siya sa barangay hall at pinabili ng asawa ng tinapay at pauwi na. Nagulat na lamang kami na  binaril   na pala siya,” sabi ng matandang babae. Nagtamo, aniya, ng anim na tama ng bala ang kanyang anak sa iba’t-ibang   bahagi ng katawan na agad isinugod sa ospital ngunit idineklarang  dead-on-arrival.

    Sinabi ng ilang residente malapit  sa pinangyarihan ng krimen na tumangging magpakilala na dalawanglalaking sakay ng motorsiklo na nakatakip ang mukha, may suot na crash helmet at naka-jacket na  itim ang biglang huminto sa harap ng biktima at bumaril dito. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ng Abucay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here