Early registration masiglang tinanggap

    490
    0
    SHARE

    SAMAL, Bataan- Masiglang tinanggap noong Sabado ang early registration sa pre-elementary, Grade 1 at Grade 7 sa maraming bahagi sa Bataan, lalo na sa bayan ng Samal.

    Umaga pa lamang ay patuloy na ang dating ng mga magulang kasama ang kanilang limang taong gulang na mga anak upang iparehistro sa pre-elem sa Samal South Elementary School sa Barangay Sta. Lucia.

    Nagsagawa naman ng orientation at briefing ang mga guro at ilang magulang na may mga anak na ipapa-rehistro sa Grade 1 sa nabanggit ding paaralan.

    Sa Samal High School, masiglang-masigla lalo na ang early registration sa Grades 7 at 8 at maging sa 3rd at 4th year high school.

    “Ginawa itong early registration upang malaman kung ano ang backlog o kakulangan sa school bago pasukan,” sabi ni Lorinda Poblete, principal ng Samal High School.

    Alas-9:35 pa lamang ng umaga ay mahigit ng 130 ang mga estudyanteng nagpa-rehistro sa Grade 7 na dating first year high school, bilang pag-alinsunod sa K-12 program ng Department of Education.

    Sa K-12 program, mapapalitan ang first to fourth year high school ng Grades 7, 8, 9, 10, 11 & 12.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here