Libo-libong uod pinatay ni Basyang

    387
    0
    SHARE
    ORANI, Bataan – Tinatayang halos 40 posiyento ng libo-libong uod sa Bataan ang pinatay ng ulan ni Basyang ngunit pinangangambahan na mas darami pa ang mga ito kesa dati kung hindi magkakaroon ng sunod-sunod na malakas na pag-ulan.

    “Kung hindi magbabago ang panahon mas lalaki pa ang problema sa uod,” pahayag ni Cesar Sarili, operations chief ng Office of the Provincial Agriculturist, noong Lunes.

    Ipinaliwanag nito na ang araw, init at kaunting ulang nangyayari ngayon ay lalong tumutulong upang makapangitlog ng husto at maraming mapisang itlog ang adult moth na nagiging larva o ang mapanirang army at cut worms.

    Ayon kay Sarili, bagama’t nakakatulong sa pagpuksa ang mga natural predators tulad ng ibon at langgam, marami sa natirang 60 porsiyento ng uod ay nag-pupate (pupa stage) o ang tinatawag na uod na tulog.

    Makalipas aniya ang pito hanggang walong araw ay nasa adult stage na ito at mag-uumpisang mangitlog, mapipisa ang mga itlog, magiging uod at mamiminsala uli. “Hindi naman kailangan ang bagyo, basta continuous rains,” aniya.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here