Home Opinion SEPTAGE FEE NA ISINISINGIL, PWEDE PALANG KANSELAHIN

SEPTAGE FEE NA ISINISINGIL, PWEDE PALANG KANSELAHIN

182
0
SHARE
1.
Ang SEPTAGE FEE na kada buwan ay binabayaran natin
kung nanaisin ng MAYOR pwede palang ipatigil
sa bayan ng STO. TOMAS ay nagawang kanselahin
ng alkalde ang septage fee na kasama sa WATER BILL
kung ganoon ay pwede rin palang gawin ito sa atin
dahil MABIGAT sa bulsa itong dagdag na bayarin
2.
Ang pinataw na septage fee’ng binabayaran kada buwan
ay pahirap lalo na sa POBRE nating kababayan
nagkaron ng RESOLUSYON itong sangguniang bayan
hinggil dito sa septage fee at sila lang ang may alam
dahil walang KONSULTASYON sa’ting mga mamamayan
kung kaya’t nang ipatupad ay marami ang UMANGAL
3.
Ang halaga ng septage fee depende sa NAGAGAMIT
o sa dami ng KONSUMO ng itinustos na tubig
ang minimum na bayarin kahit hindi ka gumamit
ay higit DALAWANG DAAN may septage fee pang kalakip
ang ganitong kalakaran sadyang nakapagngingitngit
ito’y PAGSASAMANTALA kaya’t dapat ng maalis
4.
Sa bayan ng Sto. Tomas ay dagliang kinansela
nitong si mayor JOHN SAMBO septage fee na walang kwenta
pagkat kung tutuusin ay NAPAKALAKING halaga
sa kanyang nasasakupan ang lumalabas na PERA
sa halip na magamit sa magagandang PROGRAMA
sa walang KAPARARAKANG bagay lamang napupunta
5.
Sana dito sa SAN SIMON ito’y kanselahin na rin
dahil wala namang SAYSAY kung matamang susuriin
pananaw ni mayor Sambo hinggil dito sa USAPIN
kapag ito ay ginawa ng BUTIHING mayor natin
mababawasan ng konti itong karagdagang singil
sa water bill na buwanang sa atin ay dumarating
6.
Tutal bago pa mapuno itong mga POSO NEGRO
napakahabang PANAHON pa rin ang hihintayin mo
MALABANAN o SOLIMAN man ang kontratista rito
hindi naman ARAW-ARAW kung sila ay magserbisyo
yan lagi ang sinasabi’t katwiran ng mga tao
kaya dapat pag-isipan na ng atin MUNISIPYO
7.
Di ba pwedeng mga tao na lamang ang MAGDESISYON ?
kung kailanganin na nila ang poso negro EXCAVATOR?
kaysa naman buwan-buwan ang ginagawang KOLEKSIYON
sa septage fee nitong WATER DISTRICT dito sa San Simon
sa dami ng mga HOUSEHOLDS magkano ang nalilikom?
maaring daang libo o kaya naman ay MILYON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here