Home Headlines Basura sa Abacan Loop, agarang pinalinis; skedyul ng pagkolekta, nilinaw

Basura sa Abacan Loop, agarang pinalinis; skedyul ng pagkolekta, nilinaw

205
0
SHARE

Agad na pinalinis noong Hunyo 23, 2025 ni Malabanias Barangay Kapitana Luz Nava ang basura sa Abacan Loop na napaulat na tatlong araw ng nakatambak sa nasabing lugar.

Sinabi ni Kapitana Nava na hindi ito tambakan ng basura at hindi totoong tatlong araw nang nakatambak ang nasabing basura.

Nanawagan si Kapitana Nava sa mga residente na huwag itambak ang basura sa tabi ng daan.

Nilinaw din nya na tatlong beses isang linggo ang pagkuha ng basura sa nasabing lugar.

“Kami po ay maglalabas muli ng skedyul ng pagkolekta ng basura sa ating buong barangay para po sa kaalaman ng lahat,” sabi ni Nava.

Matatandaang ang Barangay Malabanias ang hinirang na pinakamalinis na barangay noong nakaraang taon sa patimpalak ng isinagawa ng Lokal ng Pamahalaang ng Lungsod Angeles.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here