Home Headlines 20% discount sa internet load ng mga estudyante naipasa na

20% discount sa internet load ng mga estudyante naipasa na

217
0
SHARE
Si Sen. Francis Tolentino habang ipinapaliwanag sa media ang 20% discount ng mga estudante sa internet load. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Pumasa na ang Senate Bill 2966 kung saan ang lahat ng estudyante sa elementarya, high school at college, private man o public school, ay magkakaroon na ng 20% discount sa internet load at kulang na lang ng lagda ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para ito ay maging isang ganap na batas.

Ito ang pinaliwanag ni Sen. Francis Tolentino sa isinagawang press conference sa Hotel Savano bago ang campaign rally ng senatorial slate ng administrasyon na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas nitong Feb. 28. 

Malaking tulong aniya ito sa mga estudyante lalo na at marami na sa mga paaralan ngayon ang nagsasagawa ng online classes.

Samantala, pabor din si Tolentino sa panukala na 12% value-added tax (VAT) exemption sa mga serbisyo sa kuryente at internet dahil malaking tulong ito sa buwanang gastos ng mga mangggagawa.

Ipinaliwanag ni Tolentino na ang pag-alis ng VAT sa mga serbisyo sa internet ay magpapahusay sa digital inclusion at magpapalakas sa partisipasyon ng bansa sa global digital economy.

Ang pag-alis aniya ng VAT sa mga serbisyong ito ay makakatulong na matiyak ang higit na accessibility at economic resilience para sa mga Pilipino kayat inihain ni Tolentino ang Senate Bill No. 2970 para mapababa din ang halaga ng kuryente sa Pilipinas, na kabilang sa pinakamahal sa rehiyon.

Ang mataas na mga gastos sa kuryente, aniya, ay maaaring makapagpabagal sa paglago ng ekonomiya ng bansa at deindustrialization.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here