Sino sa lima ang posibleng pumasa?

    403
    0
    SHARE
    MINSAN, isa sa’king anak ang nagtanong
    kung sino sa limang kandidato ngayon
    sa pagka-Pangulo ‘comes May 9 election’
    ang ninanais kong ipalit kay PNoy.

    Upang sa gayon ay siya rin umano
    ang ihahalal niya pagsapit ng Mayo;
    Dahil mas alam ko ang sabi pa nito
    kung sino talaga ang dapat iboto.

    Ang katanungan niya ay di ko kaagad
    nasagot sapagkat ako’y nagsusulat
    nang mga sandaling ako’y kinausap
    at itinanong nga kung sino ang dapat.

    Ako man sabi ko di ko pa rin alam
    kung sino sa lima ang dapat ihalal,
    Pagkat bawat isa ay may ‘kahinaan’
    na marapat muna nating pag-isipan.

    Alphabetically, si Binay ang aking
    inuna sa puntong ya’y napakaraming
    iba’t-ibang kaso na maituturing,
    na ‘graft & corruption’ at ‘money laundering’.

    Kung saan kaya lang hindi maisampa
    ay dala nitong may ‘immunity’ siya
    o di maaring kasuhan kumbaga
    habang si Jejomar ay ‘Vice President’ pa.

    Kaya sa isyung yan kung may iba rin lang
    namang pupuede pa nating pagpilian,
    na wala pang bahid dungis ang pangalan,
    eh, ba’t si Binay ang ating ihahalal?

    Si Mayor Duterte na brusko ang dating,
    matapang at walang pangiming magsabing
    ‘within 3 to 6 months’ kaya niyang baguhin
    ang pamahalaan may tsansa marahil.

    (Kung saan kagaya ng sa Davao city
    ay naging maganda ang patakbo pati
    ng madisiplina din nilang Alakalde,
    yan sa buong bansa posibleng mangyari).

    Kaya lang nang dahil sa lubhang mahigpit
    Ang pamalakad niya ay maaring galit
    Itong sa ‘illegal’ na aktibidades
    Namihasa, kaya’t ilalag pilit.

    Si Grace Poe, nasa balag ng alanganin
    at walang tiyak na hantungan marahil
    ang pagtakbo niya dala ng posibleng
    manalo man siya ay di paupuhin

    Ng Comelec at/o ng Highest Tribunal,
    dala na rin nitong hindi pa rin pinal
    ang desisyon hinggil sa pagtakbo bilang
    ni Poe sa ‘highest post’ ng pamahalaan.

    (Na aywan kung bakit hindi ma-determine
    ng Comelec o ng ‘Courts of Justice’ natin
    ang isyung yan gayong ya’y matagal na rin
    namang sa Comelec yata nakabimbin?)

    Si Miriam Santiago… kung ‘qualification’
    ding lang ang hanap ng manghahalal ngayon,
    pasok ang butihin po nating Senador
    kahit sa alin pa mang ‘higher position’.

    Kaya lang nang dahil sa nagkasakit siya
    at baka lumala pa kaysa nang una,
    Manalo man pihong ang maupo’y iba
    kaya’t sayang lang ang pagboto sa kanya.

    At sa lahat na ay itong si Mar Roxas
    sa ganang akin ang pihong mangulelat,
    Sanhi na rin nitong sa lahat ng oras,
    anino ni PNoy ang siyang mababakas!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here