Kung sadyang ang dating Pangulong Estrada
Ay wala ng karapatang sumali pa
Sa eleksyon dahil sa naging kaso niya
Ng pandarambong at nahatulan siya
Ng pagkabilanggo at nakalaya lang
Dahil sa aywan kung ‘absolute’ ngang tunay
Ang ‘pardon’ na kusa yatang ibinigay
Nang noo’y Pangulong Gloria Macapagal
Pero kung malinaw namang nasasaad
Sa ‘release paper’ ang probisyong marapat
Sundin sa pardon at pirmado si Erap
Sa parteng ‘received & accepted’ ay tiyak
Na nga ang di nito pagiging ‘qualified’
Upang mag-‘reelect’ pagkat ‘waived’ ngang lahat
Ang karapatan niyang muling maka-hawak
D’yan ng ‘public office’ ultimong kagawad
Ngunit nakahabol muli ang taong yan,
Dahilan na rin sa pinahintulutan
Ng Comelec, at itong ‘Highest Tribunal’
Ay di niresolba ang naging kaso n’yan
Sanhi marahil ng sila-sila mismo
Na ating batikang mga Mahistrado
Ay di magka-isa ang pananaw nito
Sa iisang batas na dapat mapiho
At kung ano talaga ang nararapat,
Na nasasaad sa panuntunang batas
Ay di nga nagawa nilang ipatupad
Kaya naka-habol pamuli si Erap;
Sa pagka-Pangulo noong 2010,
At kung saan sa bilangan ‘he placed 2nd’
Kay PNoy (kaya nga’t kung di lang marahil
Aquino ang isa’y nakuhang talunin?)
At dahil sa ‘ruling’ ng Comelec mismo
Na siya’y pupuede pang kumandidato,
Si Lim ng Maynila ang tinarget nito
Na kalabanin at ibaba sa puesto.
At kung saan para maging residente
Sa naturang lungsod siya ay bumili
Ng bahay diyan at siyang ginamit bale
Upang sa Maynila makahabol pati.
At nanalo nga yan laban kay Mayor Lim
Sa kabila nitong kontrobersya pa ring
Isyu na puede pa o di na maaring
Makahawak yan ng anumang tungkulin.
(Na siyang nais na tularan marahil
Ng “Bida ng Masa” kaya nagmadaling
Sa Angeles city nagparehistro rin,
Kahit malayo pa ang 2016?).
Ngayong malinaw na ang naging pahayag
Ni Estrada na siya ay muling sasabak
Sa pagka-Pangulo ay linawin dapat
Ng mga eksperto sa saligang batas
Ang tama’t legal na mga panuntunan
At di kung sino ang malaki ang bilang
Ng ‘associate justice’ yan dapat idaan
Kundi sa kung ano ang batas hinggil d’yan.
Kaya kung ayon sa ating Konstitusyon
Ay di qualified para sa re-eleksyon
Ang sinumang naging Pangulo’y papanong
Itong si Estrada’y pupuedeng humabol?
At kung anila ay “sitting president” lang
Ang tila saklaw ng restriksyon hinggil diyan,
Eh di kung gayon ay sina Macapagal
At Fidel Ramos ay puede pang ilaban?
Kahit ‘contrary’ sa ating Konstitusyon,
Sa Article 7, sa parteng Section 4:
“that bars presidents for any re-election;
(Pero ang ‘ex-convict’ muling nakahabol?)