Effective public service

    559
    0
    SHARE

    Sa pangunguna ni City Mayor EdSa nitong City of San Fernando, Pampanga  pinasinayaan ang ‘ceremonial’ na  pagsindi sa bagong ilaw sa kalsada  Sa kahabaan ng Lazatin Boulevard, nitong nakalipas na Lunes, sa tapat ng      Heroes Hall ang ginawang paglulunsad  sa anila’y “hi-tech” na ‘modern street lights’ Kung saan maliban kay Mayor,     kasama sina Fer Limbitco, Fer Caylao at saka  ang city treasurer at si Aling Eda upang saksihan ang  simpleng

    seremonya Na tinawag nilang ‘ceremonial lightings  of the new street lights’ na siyang gagamitin bilang  ‘replacement’ sa old type na ‘halogen  bulbs’ na lumang uso’t napakamahal din Na mas mababa ang ‘wattage’  nitong isa  kaysa ‘incandescent bulb’ na sinauna, At ang lalong pinakamahalaga  ay mas maliwanag ang pinalit  nila.At inaasahang ang ‘city government’  ay maka-menos ng halos forty percent’  sa ‘electric bill’ nito kapag itong ‘target’ na pagpapalit sa

    mga ‘incandescent’ Ay tuluyang nang maisakatuparan  ng butihing Mayor ang pagnanais   niyang palitan lahat ang sinaunang ilaw nitong makabago’t mahabang ang buhay  At maliban pa sa ya’y talagang ‘hi-tech’ na klaseng bombilya’t mababa ang ‘wattage,’ ay napakaganda at lubhang matipid kaysa ‘incandescent  bulbs’ at saka ‘fluorescent’.  Kung kaya naman ang butihing city Dad, kasama ang SP, si Vice at ang lahat  ng may   malasakit sa

    kanilang siyudad  ay di matawaran ang kanilang galak Sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod  at  mai-angat pang lalo ang bantayog, sa kabila nitong ito’y nasa rurok  na ng katanyagan at pagiging bantog. At sanhi na rin ng pagiging masipag nitong magkasunod na naging city Dad,  na sina Oca at EdSa na matapat sa  panunungkulan kaya mas umangat  Ang kabuhayan ng mga Fernandino at umunlad pati kalakalan dito, dala tiyak   nitong ang pagnenegosyo 

    dito sa siyudad ay ligtas sa peligro Ng pangingikil at itong tinatawag  na ‘under- the-table,’ na ngayo’y talamak  partikular na sa malalaking siyudad, pagkat sa Pampanga ay bawal ang ‘corrupt’    Dala na rin ng pagiging ‘business friendly’ ng siyudad ay tunay din namang marami itong negosyanteng lubos pumupuri  sa ganda at bilis ng serbisyo  pati  Ng mga kawani sa pag-asikaso ng mga papeles na kailangan nito;  Dahilan na rin sa mulat lahat ito sa ‘effective    service’ ng pinuno rito!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here