Gaya ng una kong mga naisulat
Hinggil sa mithiin ni Mabalacat Dad,
(Boking Morales) na ito’y maging siyudad
Ay lalo na nating masasabing tiyak
Na higit sa dating otsenta porsyento
Na inaasahang papabor ng husto,
Di malayong yan ay lalo pang lolobo
Ngayong sa eksena’y pumasok na mismo
Ang butihing gobernador ng Pampanga,
Na nagpahayag ng lubos na suporta
Kay Mayor Morales sa adhikain niya
Na ang Mabalacat ay maging lungsod na
Kung saan tinukoy pati ng Governor
Ang lahat ng bagay na tiniyak nitong
Sa Mabalacat town ay maitutulong
Ng pagiging siyudad sa tamang panahon.
Puwera sa maari pa nitong matanggap
Mula sa provincial government at lahat
‘As component city,’ kagaya ng siyudad
Nitong San Fernando na ngayo’y maunlad.
Sa pamamahala ng isang Alkaldeng
Tulad ni Morales o ni Mayor Boking
Ay tunay naman ding masasabi nating
Kapuri-puri sa husay nila’t galing.
Ang mapabilang ang alin pa mang bayan
Sa ‘group of cities’ ay pangarap di lamang
Ng malalaki at asensadong lugar,
Kundi pati na rin ng maliliit lang.
(Gaya nitong ‘sixteen municipalities’
Na patuloy pa rin yatang nililitis
Sa husgado ang kanilang pagnanais
Maging lungsod kahit ubod din ng liit
Ang kanilang ‘area’ at ‘revenues’ pati
At ang populasyon di sapat ang dami,
Pero patuloy pa ring nagpupursigi
Sa hangarin nilang sila’y maging ‘city’)
Itong Mabalacat pa kaya sa ngayon
Na kumpleto sa kanyang kualipikasyon
Ang di papaboran at/o isusulong
Para sa naisin ng kanilang Mayor?
At ito nga ay mapabilang nang ganap
Sa mga lungsod sa buong Pilipinas,
Na kung saan lalong higit ang pag-unlad
Ng isang lugar sa lahat na ng antas.
Kaya sa puntong yan nararapat lamang
Na magka-isa ang mga mamamayan
Sa isang mithiing di pangsariling lang
Kundi ng para sa kapakanang bayan
At huwag padala sa mga negatibong
Bagay na maaring ipanira nitong
Nagnanais lang na sila ang maupong
Kapalit ni Boking kaya tumututol
At hinihikayat ang mga botante
Na mag-‘NO’ laban sa ‘big YES’ ng Alkalde,
Kundi ang atin na ring mga sarili
At ninanais ang makapangyayari.
Kung papano natin dinala si Boking
Sa nakaraan ay sana’y lalo nating
Paigtingin ngayon ang suporta natin
Para matupad ang magandang mithiin!