OLONGAPO CTIY – Umaabot sa may 80 ibat-ibang uri ng exotic animals ang kinumpiskang mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office ng Department of Environment and Natural ResourcesOffice (CENRO-DENR) mula sa isang pet shop sa BarangayNew Kalalake sa lungsod na ito.
Ang pagsalakay ay isinagawa ng team na pinamunuan ni Samuel Carpio batay sa search warrant na ipinalabas ni Judge Raymond Viray ng RTC, Branch 75 sa No. 123 Kessing St., Barangay New Kalalake.
Ayon kay CENRO Marife Castillo, isang nagngangalang D’R Corpus ang nagmamay- ari sa nasabing wild animals. Inihahanda na ni Castillo ang kaso laban kay Corpus, ang paglabag sa RA 9147 o itong Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Ang mga wild animals ay nasa pangangalaga na ng Wild-In-Need (WIN) sa Subic Freeport.