Home Headlines 74-anyos patay sa sunog

74-anyos patay sa sunog

112
0
SHARE

Ang labi ng matandang biktima ng sunog nang ilabas ng kaniyang tahanan. Kuha ni Rommel Ramos


LUNGSOD NG MALOLOS — Patay ang isang 74-anyos na lalake matapos masunog ang kanyang bahay sa Barangay Caingin Martes ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Romeo Manalaysay, senior citizen at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, idineklara sa unang alarma ang nasabing sunog na sumiklab pasado alas-2ng madaling araw at naideklarang fireout ganap na 3:28 ng umaga.

Sa kasamaang palad ay hindi na naisalba pa si Manalaysay na nag-iisa sa loob ng bahay nang maganap ang sunog.

Posible daw na sinubukan pa nito na lumabas ng bahay ngunit hindi na kinaya dahil ito ay may edad at nag-iisa lamang sa bahay.

Napag alaman ng BFP na bandang alas-7 kagabi nang huling nakita na buhay ang biktima ng pakainin ito ng anak bago umalis.

Ayon naman kay Ruben Orbano, residente, sinubukan pa niya na iligtas ang matanda na humihingi ng tulong ngunit hindi niya kinaya ang malakas na apoy.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here