Home Headlines P340-K shabu nasamsam, bigtime tulak timbog

P340-K shabu nasamsam, bigtime tulak timbog

140
0
SHARE

TALAVERA, Nueva Ecija – Kalaboso ang isang hinihinalang bigtime na tulak ng droga matapos mahulihan ng tinatayang 50 gramo ng shabu sa magkasanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at lokal na pulisya sa Barangay Bakal Tres ng bayang ito kamakailan.

Ang suspek ay nakilalang si Carina Lapina alyas Olga,47, residente ng Cabanatuan City.

Ayon kay PDEA Central Luzon director Christian Frivaldo, umaabot sa P340,000 ang halaga ng droga na nakumpiska mula kay Lapina sa operasyon na isinagawa ng mga operatiba nitong June 24.

“Lapina had been in PDEA’s radar since May 2020, following a report from a confi dential informant regarding Lapina’s involvement in the bulk sale of shabu in Talavera and Cabanatuan City,” sabi ni Frivaldo.

Sa kanyang ulat kay PDEA director general Wilkins Villanueva, sinabi ni Frivaldo na mga kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 o pagtutulak at pag-iingat ng ipinag babawal na droga sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban kay Lapina.

Nakakulong ngayon sa PDEA Jail Facility, Diosdado Macapagal Government Center, Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga ang suspek.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here