Kinilala ni Senior Inspector Jose Arca, hepe ng Castillejos police, ang mga suspek na sina Federico Pader, 57; Alfredo Pader, 51; Ronito Calderon, 22; Rosemarie Baal, 49, at Alvin Tabaquero, 27, pawang mga taga Barangay Del Pilar dito.
Ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raymond Viray ng RTC Branch 75 ng Olongapo City sa kasong paglabag sa RA 533 o Anti-Cattle Rustling Law.
Ayon sa ulat, September 2013 nang samantalahin ng mga suspek ang sama ng panahon at kanilang kunin ang baka na nakasoga sa tabing ilog sa Barangay Pamatawan at pagmamay-ari ni Romeo Salazar saka ito pinagtulung-tulungan katayin.
Ang mga suspek ay detinido sa Castillejos Municipal Police detention cell ng may kaukulang piyansang tig-P35,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.