4 bugaw huli

    263
    0
    SHARE

    Subic Bay Freeport – Apat an bugaw and dinakip, samantalang 16  na kababaihan kabilang na and dalawang minor de edad na ibenebenta  sa panandaliang aliw ang na-rescue  ng mga tauhan ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team  at SBMA Law Enforcement Department  sa Pier One and Grill Bar and Restaurant dito. 

    Kinilala no ZCIDT provincial officer, Chief Inspector Ferdinand Aguilar  ang mga suspek na sina  Dindo  Espiritu, 46, ng No. 75 Aries St., Barangay Sta Rita; Emerlito Santos, 46,  ng No. 4- C Apitong St. Extension,  Barangay Old Cabalan;

    Mario Laquian, 49, ng Leyva St., Barangay Mabayuan; at Rogelio Finuliar, 46,    ng  No. 208 Mangahan, Barangay Sta Rita pawang sa Olongapo City.  Ang pagkakasakote sa mga suspek ay batay  sa inilatag ng ZCIDT na“Oplan Nena” at “Oplan Sagip Angel” matapos makatanggap ng ulat na talamak  ang  ginagawang prostitusuon  sa Pier One.

    Ang mga suspek ay dinakip ng  team na pinamunuan ni Senior Inspector Ferdinand Mendoza matapos  tanggapin ang inisyal na  P3,000 para sa mga biktima kapalit ng panandaliang  aliw. 

    Ang mga biktima at isinakay sa isang van (WBG-542)  at wagon  (RGK-527) na pagmamayari nina Santos at Laquian kung saan pinagbayad  and mga kababaihan ng P50 bawat isa patungo ng Barangay Barretto  kung saan naghihintay ang kanilang mga customer. 

    Pagkaabot ng pera kay   Finuliar ng P3,000 ay kaagad itong inaresto  kasama ng kanyang kasamahan. Ang mga suspek at nasa custody na ng ZCIDT.     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here