3-year old na babae itinuro ang lolo na pumatay sa ina

    525
    0
    SHARE

    ORION, Bataan – Inihanda na ng pulisya noong Martes ang kasong murder laban sa isang lolo na itinuro ng sarili niyang tatlong taong gulang na apong babae na sumaksak sa kanyang ina sa loob ng kanilang maliit na silid-tulugan sa isang barangay dito.

    Ayon kay Chief Insp. Elmer Santiago, Orion police chief, sa harap ng guardian at municipal social worker, paulit-ulit na binanggit ng paslit na ang kanyang Lolo Rolan Medina, 55, ang sumaksak sa kanyang inang si Maria Nica Medina, 25.

    Natagpuan ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto na nakadapa, duguan at patay na bandang ala-una ng madaling araw ng Lunes. Nagtamo diumano ito ng 86 na saksak mula sa isang matalim na bagay na hinahanap pa ng pulisya.

    Halos 15 metro lamang ang layo ng bahay ng suspek sa kanyang manugang sa loob ng isang compound sa Barangay Gen. Lim.

    Isang overseas Filipino worker ang asawa ng biktima at anak ng suspek at kasalukuyan pang nasa Saudi Arabia.

    Sinabi ni Jennifer Narciso na tanging ang tatlong taong gulang na anak ang kasama ng kanyang nakababatang kapatid nang mangyari ang krimen na tinatayang naganap sa pagitan ng alas-7 hanggang alas-8 ng gabi noong Linggo.

    “Wala kaming pinapanigan, ang gusto lamang namin lumabas kung ano totoo at mabigyan ng katarungan ang kapatid namin na parang hayop ang ginawa na may saksak na 86,” sabi ng lumuluhang kapatid.

    “Kami walang alam, ang apo lang niya nakakaalam na nagsasabing ang lolo niya kaaway ng mama niya at ito ang sumaksak,” sabi pa ni Narciso.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here