Home Headlines 3 magkakapatid pinagbabaril: 2 patay, 1 kritikal

3 magkakapatid pinagbabaril: 2 patay, 1 kritikal

242
0
SHARE

HERMOSA, Bataan Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga lalaki ang tatlong magkakapatid na magsasaka na ang dalawa ay patay at ang isa ay kritikal sa isang bahagi ng lupa sa Barangay Pulo sa bayang ito Biyernes ng tanghali.

Kinilala ni Hermosa police chief Major Jeffrey S. Onde ang mga namatay na sina Joey Valencia at kapatid na si Melton Valencia. Ang isa pang kapatid na si ER Valencia ay isinugod at kasalukuyan pang ginagamot sa isang ospital sa Dinalupihan, Bataan.

Batay sa preliminary investigation, nakita ng isang testigo ang dalawang lalaki na armado matapos makarinig ng sunod-sunod na putok.

Tumakas diumano ang mga suspek gamit ang isang puting van, motorsiklo at tricycle papunta sa Balsik, Hermosa.

Sinabi ni Onde na agad silang naglatag ng dragnet at nagsagawa ng hot pursuit operation. Patuloy pa, aniyaang kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Renie Santos, Pulo barangay chairman, hindi nila masiyadong kilala ang tatlo dahil mga dayo lamang daw ang mga ito.

Nagtatanim umano ang mga biktima  sa lupa na hindi naman diumano sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here