3 kabataan nalunod sa Zambales

    270
    0
    SHARE

    IBA, Zambales – Tatlong mga kabataan na pawang kasapi sa Iglesia ni Cristo ang nalunod matapos tangayin ng malaking alon habang naliligo sa baybayin ng Barangay Bangantalinga sa bayang ito.

    Sa ulat na ipinadala ni Senior Insp. Gilbert Diaz, hepe ng Iba police, kay Zambales Police Provincial Office (ZPPO) director Senior Supt. Manuel Abu, kinilala ang na-retrieve na bangkay ni Laarni Dumapit, 22, residente ng Mambog, Botolan.

    Samantalang sina Ralph Jordan Benliro, 18, ng Barangay Taugtog, Botolan at Genevaz Edora, 17, ng Zone 3, Iba ay pinaniniwalaang patay na rin dahilan ang kanilang mga katawan ay di pa rin nakikita habang nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operations ng pulisya, Red Cross at mga concerned local groups sa nasabing lugar.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here