SUBIC BAY FREEPORT– Dinakip ng mga tauhan ng 303rd Maritime Police Station (303rd Marpsta) ang tatlong mangingisda makaraang maaktuhan na gumagamit ng dinamita sa kanilang pangingisda sa may layong limang nautical miles sa baybayin ng Barangay Alasasin, Mariveles, Bataan.
Sa ulat ni Supt. Boots Aseo, hepe ng 303rd Marpsta, kay Senior Supt. NepumocenoMagno Corpus, Jr., hepe ng Regional Maritime Unit 3 (RMU3), kinilala ang mga suspek na sina Juanito Angulo, 33; Albert Mosqueriola, 29, at William De Guzman, 31, pawang mga residente ng Sitio Gatchalian, Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan.
Ayon sa ulat nagsasagawa ng seaborne patrol sina SPO2 Eduardo Toledo at PO2 Dionisio Florendo, Jr., nangmaispatan ang mga suspek sa nasabing lugar sakay ng bankang de motor na gumagamit ng dinamita sa kanilang pangingisda. Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang ibat-ibang uri ng isda na huli sa dinamita; 13 bote ng dinamita; siyam na blasting caps; isang fish finder; isang compressor at ibat ibang fishing paraphernalia.