AT POSIBLENG mga ‘high ranking’ kumbaga
Na opisyal nitong nasabing ahensya
Ang posibleng sangkot kapag inilarga
Ni Congressman Yeng Guiao ang pag-imbestiga.
Nang ang PTA ay ire-organisa
At noong 2009 ay naging TIEZA,
Si Mark ay ni-retained ni Pangulong Gloria
Bilang agency’s head ng dating opis niya.
At nalaman nga lang ni Yeng itong hinggil
Sa “sale” ng Paskuhan nang siya’y kausapin
Ng Adminstrator ng Paskuhan pa rin,
Na ang busto ni Tang’ Bren dapat nang kunin
Sa ‘main hall’ ng parke dahil diumano
Ang dating Paskuhan, nabili na mismo
Ng SM kung kaya pinaalam nito
Kay Cong Yeng ang nararapat na abiso.
Matatandaang si Governor Bren Z. Guiao
Ang ‘founder’ ng parke’t nagsilbing ‘show-window’
Ng mga pamoso ng ating ‘giant parol’
Na tunay naman ding naging ‘worldwide renowned’
Kaya para basta maglaho ng bigla
Ang ‘Christmas capital’ nitong ating bansa,
Ay makabubuting ibalik nang kusa
Sa pamilya ng mga Lazatin ang lupa.
Kaysa ipagbili ng pamahalaan
O nitong ‘government agency’ na siyang
May hawak sa ‘title’ itong makinabang;
At baka ibulsa lang yan ng kawatan
Na naglipana sa’ting gobyerno ngayon,
At nitong animo ay buwayang gutom
Kung lumaklak sa salaping nauukol
Sa taongbayan at mga ‘infrastructure’
Na dapat magawa, pero nang dahil nga
Sa pandarambong ng mga masisiba,
Akalain mong donasyon lang ang lupa
Ay naibenta sa paraang di tama?
Alam na marami, na bago pumanaw
Si sir Jess Lazatin ay inintrega raw
Sa kanyang lawyer ang mga dokumentong
May kaugnayan sa pag-aari ng Don.
At base sa report, ang abogadong yan
Na nasa State na sa kasalukuyan,
Ang lumakad para sa PTA upang
Mailipat yan sa ahensyang naturan.
Nang lingid yata sa ‘heirs’ ni Jess Lazatin
Ang transaksyon nito, yan kung tutuusin
Ay may ‘forms of deceit’ na maihahambing
Sa isang animo ay panloloko na rin.
Maliban na lang kung hindi intensyonal
Ang kay Jess Lazatin ginawang sangkalan
Para gamitin ang kanyang pinirmahang
Papeles hinggil sa donasyong naturan.
Pero kung totoong ang ‘heirs’ ni Lazatin
Ay di batid n’yan ang mga pangyayaring
Namagitan sa Don at sa kanyang counsel,
Hangga’t maaga ay kanilang habulin
Ang ‘real estate’ na sila ang marapat
Magmana, at hindi ang mga katulad
Nitong mandarambong at tulisang dagat
Na lubhang eksperto na sa panghuhuwad;
At sampahan nila ng kasong kriminal
Ang sukat managot kung kinakailangan,
Nang sa gayon ay di sila pamarisan
Ng iba pang dapat mabigyan ng aral!